Ano ang stocks?

Ang stocks ay simbolo ng pagmamay ari ng isang tao sa kumpanya na nagissue ng stocks. Nagkakaroon ng stock ang isang tao pag nagbigay siya ng bagay na makakatulong sa kumpanya. Bilang kapalit, binibigyan ng stocks ang naginvest, bilang katunayan na naginvest siya.

Bakit ko kailangan maginvest sa stocks?

Pwede mong mapagkakitaan ang pagiinvest sa stocks sa pamamagitan ng:

  1. Pagtaas ng presyo ng hawak na stock
  2. Dividends
  3. Over the long term, natatalo niya ang income na nakukuha sa mga safe investments tulad ng time deposit at bonds.

Bakit tumataas ang presyo ng stocks?

Tumataas ang presyo ng stocks dahil sa demand at supply. Kunwari meron kang text dati ni Taguro, NBA card na Kobe, or yung Winged Kuriboh na Yu-gi-oh card. Tumataas presyo nila kasi mas maraming may gusto, pero limited lang ang supply. Ganun din ang stocks. Pag mas maraming nagkakandarapang bumili, mas tumataas ang presyo.

“Pang mayaman lang naman ang stocks eh”

Aktwali, for as low as P5,000 initial investment, makakapagsimula ka na kagad sa stocks. Paano? Pwede ka magsimula sa mga stock market platform tulad ng COL Financial, First Metro Securities, Philstocks, BDO Nomura, atbp.

“Kaso wala akong time magbantay ng stocks”

May options ka if gusto mo talagang maginvest.

Bumili ng maganda at safe na stock at iwanan na tumaas, tulad ng Jollibee, BDO, SM, or kung sa madaling salita, mga blue chip stocks. Sila yung madalas bilhin ng mga Investment companies kasi safe sila hawakan para sa matagalang panahon. Usually din nagbibigay ng dividends ang mga blue chips

Maginvest sa mutual funds. Ang mutual fund ay isang investment kung saan maraming tao ang nagtitipon-tipon ng pera para mag-invest sa assets tulad ng stocks, bonds, money market, at iba pa. Ang mga fund na ito ay pinangangalagaan ng mga propesyonal na money managers at ang layunin nila ay iinvest ang resources ng fund upang kumita ng pera para sa mga shareholders. Ikaw ay magiging shareholder kapag nag-invest ka sa isang mutual fund gamit ang pagbili ng kanilang shares. Maganda itong investment kasi may ibang taga-manage ng investment mo, at sila narin bahala kung san ito iinvest. For as low as P1,000, pwede ka na kagad makapagsimula sa Mutual Funds.

Maginvest sa VUL Insurance. Ang V.U.L Insurance naman ay isang bagong form ng insurance, kung saan, di lang basta basta death benefit ang matatanggap mo, kundi may living benefit din na Investment. Ang investment mo ay sa mutual funds din na minamanage ng Asset Management team ng isang insurance company. Ang VUL ay magandang investment para sa sarili kasi nagmamahal ang insurance habang tumatanda, at baka hindi ka na pwedeng magkainsurance once na magkaron ka ng sakit. Tapos di lang basta basta insurance, kasi habang protected at secured ang family mo, magkakaron ka pa ng retirement fund sa pamamagitan ng investment na magagamit bilang pension.

Hope you learned a lot and please let me know if you want to learn more!


Contributed by: Josh Salazar

Joshua Salazar

Joshua is a Certified Public Accountant, with a job experience in one of the largest audit firms in the Philippines, and one of the largest investment banks in the world.

He is also a Licensed Financial Advisor that aims to spread financial literacy and financial education through social media content and personal discussions. He believes that people are inborn with the desire to be financially free, unfortunately, finance and investments are portrayed to be out of reach due to jargons and other technical stuff. He aims to bridge Filipinos and investments thru layman content.
Facebook: https://www.facebook.com/iamBAEcon